Ang publikasyong ito ay salin sa wikang Filipino ni Dr. Feorillo Petronilo Demeterio III ng mga piling historikal at etnograpikal na sanaysay tungkol sa rehiyon ng Mindanao ni Ferdinand Blumentritt. Isang makabuluhang kontribusyon ang aklat para higit na maunawaan ang mahahalagang tala ng kinikilalang iskolar at malapit na kaibigan ni Jose Rizal. Ang proyektong ito ni Dr. Demeterio ay pinondohan ng National Commission for Culture and the Arts.