Kastilyong Buhangin, Bangkang Papel
DionicioVitug
あらすじ
Ang pundasyon ng kanilang mga pangarap at ng kanilang batang pag-ibig. Ngayon ay ipinagagawa na niya ang pangarap niyang palasyo. Subalit sinisimulan pa lang ito, unti-unti nang natitibag ang isang bahagi ng burol. Paliwanag ng construction firm na gumagawa ng kanyang mansyon, ang burol ay nabuo lamang dahil sa landslide at posibleng dumating ang araw at mayanig ng isang malakas na lindol, mapapatag ang burol at posibleng mawasak ang kanyang mansyon. Paniwala naman ng kanyang mga laborer na taga-roon, ayaw ng mangkukulam na nalibing doon, noong magka-landslide na galawin ang burol. Katotohanan at pamahiing binalewala niya, magkatotoo lamang ang dati ay isang pangarap lamang habang hinahanap niya ang kanyang kababata at unang pag-ibig. But alas! Ang tanging lalakeng natutuhan niyang mahalin ng labis ay natagpuan niyang isa nang imbalido, naputol ang dalawang paa dahil sa isang aksidente. Ano ang hiwagang nakabalot sa burol? Ano ang kabanatang naghihintay sa magkababatang Ayelle at Joshua?